22

By

Mga kumpiskadong bigas at pagkain sa BOC ibibigay sa mga biktima ni ‘Ompong’

Sharing is caring!

Inatasan ng Department of Finance (DOF) ang Bureau of Customs (BOC) na ipalabas ang mga nakumpiskang smuggled na bigas at mga pagkaing de-lata para ibigay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ni Finance Secretary Sonny Dominguez na inatasan na niya si Customs Commissioner Isidro Lapeña para may dagdag na ayuda ang DSWD sa mga maapektuhan ng bagyong ‘Ompong’.

Hindi aniya kailangang hintayin pang mabulok ang mga nakumpiskang mga smuggled goods kung puwede namang mapakinabangan lalo na sa panahon ng kalamidad.

“We have ordered the BOC, the Bureau of Customs, to release to the DSWD all of their seized food items, including rice for the emergency purposes. And that’s really our practice as soon as we seized it, we release it to the DSWD.So they will be getting not only the rice but if we have seized any smuggled canned goods, we will give it to them,” ani Dominguez.

Tiniyak naman ni Agriculture Secretary Manny Piñol kay Pangulong Rodrigo Duterte na may sapat na supply ng bigas para sa mga maapektuhan ng bagyo dahil panahon na ng anihan at naibaba na ang mga inangkat na bigas mula sa ibang bansa.

“We don’t really have a problem with the supply now, Mr. President. It’s harvest time. And the imported rice are starting to come in, so…The previous importations, Mr. President. The importations already made by NFA. And we are now harvesting all over the country,” ani Piñol.

Sinabi ng kalihim na aasahang babalik sa normal ang presyo ng bigas sa mga pamilihan sa susunod na dalawang linggo dahil marami ng supply ng bigas sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?