269

Oct 17, 2017 @ 13:33

Mga kubol sa Manila City Jail, winasak

Nagsagawa kahapon Oplan Greyhound ang pamunuan ng Manila City Jail kasunod ng report na nagaganap na illegal na aktibidad sa loob ng piitan.

Ayon kay Jail Senior Inspector Jay Rex Joseph Bustinera, ang tagapagsalita ng MCJ, ginawa nila ang Oplan Linis piitan alinsunod sa kautusan ng bagong talagang si General Deogracias Tapayan bilang pinuno ng Bureau of Jail Management and Penology.

Ayon kay Bustinera, tinanggal nila ang mga kubol sa loob ng piitan at pinaghahalughog ang bawat selda kung saan  nila nasamsam ang mga bote ng alak, mga CD na naglalaman ng pornographic materials,  bingo cards,  deadly weapons at mga drug parepharnalia.

Hindi naman sinira ang kuwarto para sa conjugal  visit. Ipnagbabawal muna ang pagtanggap ng bisita hanggat hindi natatapos ang paghalughog sa mga kubol sa loob ng piitan.

Nabatid na congested ngayon ang MCJ na may kapasidad 1,100 na preso o isa bawat detinido sa 4 punto 7 metro kuwadrado (4.7 sq meters)  ngunit ngayon ay mayroon ng 5,565 na inmates.

Samantala tiniyak ni Bustinera na iimbestigahan kung paano nakapasok sa loob ng selda ang mga bote ng  alak, bingo cards, patalim at mga gamit sa paghitit ng bawal na droga. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?