516

By

Mga kritiko ni Duterte, OA sa Scarborough Shoal incident- Lacson

Sharing is caring!

Tinuligsa ni Senador Panfilo Lacson ang mga taga-oposisyon na nangungulit na banggain na ng Pilipinas ang China dahil pagharang ng kanilang coast guard sa mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Lacson, gusto ng mga kritiko ng administrasyon na isubo ang bansa sa gyera.

“I think it is an overreaction by the critics of the administration who want no less than putting our country in war footing with China over something that does not merit response,” ani Lacson.

Para sa senador, hindi dapat sisihin ang pamahalaan ng China sa insidente dahil hindi naman iyon utos o polisiya ng kanilang pamahalaan.

Ang ginawa ng Chinese coast guard ay hindi umano sa ngalan ng kanilang gobyerno.

“The acts perpetrated by the Chinese coast guard crew are nothing but crimes of robbery or piracy,” ayon kay Lacson.

Idiniin ni Lacson na iniimbestigahan na ito ng Chinese government.

Hintayin na lang umano ang resulta ng imbestigasyon at ang disciplinary action ng pamahalaan ng China laban sa kanilang mga tauhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?