abante koko critics federalism
By

Mga kritiko ng pederalismo, alarmist – Koko

Sharing is caring!

Binakbakan ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ang mga tumututol sa pederalismo na nagpapakalat ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa transitory provisions ng bubuuing bagong saligang batas.

Ayon kay Pimentel, maituturing na alarmist ang mga nagpapalabas ng impormasyon na palalawigin ang termino ng incumbent officials sa sandaling maisakatuparan ang pederalismo.

Kinumpirma naman ni Pimentel na nagsumite ang study group ng PDP-Laban ng draft proposal na nagsasaad ng mahabang transition period upang mabigyang daan ang pagpapalit ng unitary patungong federal form of government.

“Ako mismo, na-briefed nila (study group) ako dyan, mahaba nga ‘yung transition period na nasa isip nila. Pero ang ibig sabihin nung transition period, hindi ‘yung status quo at hintayin kunyari 8 to 10 years, status quo walang galawan ng 8 to 10 years, hindi po ganun,” saad ni Pimentel.

Nilinaw naman nito na walang hold over capacity sa mga incumbent officials.

“Walang extension ng term,” diin ng Senador.

“You can have an election. At kung sino ang mga nahalal, sila ngayon yung mga officials during the transition period. Ang importante may transition period kasi hindi pwedeng the day after the plebiscite, shift agad, federal agad. Pero hindi ibig sabihin nun, yung mga nakaupo ngayon ay sila rin ang sa transition period. Mali po, alarmist po na konsepto yun,” diin pa nito.

Kasabay nito, hinikayat ni Pimentel ang lahat na makisali sa mga diskusyon kaugnay sa pederalismo.

“Let’s have a healthy debate pero gawin naman nating based on ideas, based on specific drafts…Huwag ‘yung mananakot lang tayo sa taumbayan or general criticisms. Dahil hindi ka kampi ng Presidenteng ito, against ka na sa fedralismo e 1980s pa po yan, hindi pa nga sikat si Duterte noon,” diin nito. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?