134
Mga kritiko ng narco list ni Duterte, nonsense! – Palasyo
Mar 17, 2019 @ 11:42
By

Mga kritiko ng narco list ni Duterte, nonsense! – Palasyo

Wala umanong sense ang mga sabi-sabi na maaaring mapatalsik sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa ginawa nitong paglalabas ng tinatawag na ‘narco list’ ng 46 na politiko, 58 na araw bago ang eleksyon.

Ito ang pahayag ng Palasyo sa mga kritiko na bumabatikos sa narco-politician list.

“It has no legal and factual basis. In other words, it’s pure nonsense,”saad ni presidential spokesperson at chief legal counsel Salavador Panelo.

Nilibak ni Panelo si Akbayan Representative Tomasito Villarin dahil umano sa pagpatol nito sa isyu na hindi naman umano pamilyar sa isang hindi abogadong tulad nito.

“The release of their names is nothing more than a release of the names of criminal suspects. Such act cannot be considered a legal transgression, and even [less] so, an impeachable offense,” saad ni Panelo.

Dagdag pa ni Panelo, dadaan naman umano sa due process ang mga narcopoliticians upang mabigyan ng oportunidad na linisin ang kanilang pangalan.

Sang-ayon naman si Senador Aquilino Pimentel III sa tinuran ni Panelo at sinabi dapat talaga umanong linisin ng mga politiko na nasa naturang listahan ang kanilang ngalan dahil pinag-uusapan na ng publiko ang kanilang di umano’y koneksyon sa droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?