39

Oct 12, 2021 @ 15:14
By

Mga kotongero sa gobyerno wawalisin ng Lacson-Sotto tandem

Kakaibang uri ng disiplina ang naghihintay sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno na sangkot sa pangingikil at iba pang iligal na gawain sa oras na maluklok sa puwesto ang tambalan nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III.

“If we become President and Vice President of this country, Filipinos may yet witness the spectacle of a Cabinet member turned rogue being arrested for extortion. This is the kind of discipline that the Lacson-Sotto leadership intends to instil in government officials,” sabi ni Lacson sa kanyang Twitter account.

“It’s about time na ang example ay manggaling sa kataas-taasan. Hindi puwedeng ang sinisibak lamang ay yung maliit at hindi sumusunod kasi nakikita sa taas namamayagpag,” dagdag pa nito.

Nais din ni Lacson na muling isulong ang digitalization at interoperability system sa mga ahensiya ng gobyerno para mabawasan ang korapsyon.

Bagama’t computerized na ang Bureau of Customs, hindi pa automated ang system nito kaya’t nananatili pa rin ang human intervention at red tape.

“Pag pinalitan mo ang buong bureaucracy, mangangapa at kung madapuan, mangyayari na naman. Dapat ang approach is systematic, hindi puwedeng tao lang ang papalitan,” ani Lacson.

Sabi pa nito, karamihan sa mga kawani ng BOC ay inoobserbahan lang ang bagong talagang pinuno ng ahensiya sa loob ng ilang linggo kung may ‘political will’ ito para sugpuin ang korapsyon sa ahensiya.

“Marereporma rin ang mga tao. Pero pag nakitang Task Force Pakilala lang, tapos bibigay din, backsliding lahat ‘yan,” ayon kay Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?