10

Mar 27, 2021 @ 15:13
By

Mga korte sa NCR Plus sarado hanggang April 2

Pinalawig ng Supreme Court (SC) nitong Sabado ang pagsasara ng lahat ng korte sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal epektibo ng Marso 29-31 at sa Holy Week dahil sa nakakaalarmang pagtaas ng COVID-19 case.

Maliban sa Marso 29-31, wala ring pasok ang lahat ng korte sa mga nabanggit na lugar na nasa “NCR Plus” bubble sa Abril 1 at Abril 2, na mga holiday dahil sa Mahal na Araw.

Sakop ng direktiba ang SC, Court of Appeals, Court of Tax Appeals at Sandiganbayan.

Dahil dito, ani Acting Chief Justice Estela Perlas Bernabe, lahat ng hearing sa mga nabanggit na korte ay pansamantalang suspendido maliban kung “urgent matter, such as but not limited to petitions, motions and pleadings in relation to bail and habeas corpus, promulgation of judgments of acquittal, reliefs for those who may be arrested and detained during the period, and other related actions that may be filed in relation to measures imposed at the local or national levels to address the declared health emergency.”

Noong nakaraang linggo nang ipag-utos ng retirado nang si Chief Justice Diosdado Peralta ang physical closure ng lahat ng korte sa NCR at apat na lalawigan hanggang Marso 26.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?