27

Aug 2, 2020 @ 21:02
By

Mga korte sa Metro Manila sarado ng 2 linggo

Isasara ang lahat ng korte sa Metro Manila at iba pang lugar na isasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ) ng dalawang linggo dahil sa pagtaas ng COVID-19 case.

Epektibo ito sa Agosto 3 hanggang Agosto 14, ayon sa Supreme Court (SC).

“Due to reported surge in COVID-19 cases, the Court en banc has provided the following guidelines in the operation of the courts form 3-14 August 2020,” pahayag ng Mataas na Korte sa inisyung Administrative Circular No. 42-2020.

“Unless herein provided, all courts in the National Capital Judicial Region and those areas in under enhanced community quarantine or modified enhanced community quarantine shall be physically closed to all court users.”

Maaaring makontak ang mga korte sa hotline numbers, e-mail o Facebook account na naka-post sa website ng SC.

Isasagawa naman ang raffle ng mga kaso sa pamamagitan ng videoconferencing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?