556

Oct 31, 2018 @ 14:40
By

Mga korap sa Customs patayin! – Mon Tulfo

Sinabi ni Special Envoy to China for Public Diplomacy Ramon Tulfo na Bureau of Customs (BOC) ang isa sa pinakamahirap na hawakang ahensya ng gobyerno dahil sa pera.

Sa interbyu ng The Source ng CNN Philippines, sinabi na dapat umanong maparusahan ang mga kurakot na Customs official katulad ng mga ginagawa nito sa mga small-time pusher ng iligal na droga.

“If the government can mercilessly execute drug traffickers and drug pushers, why can’t it execute the most corrupt personnel in the Bureau?” ayon kay Tulfo.

Kasunod ito nang naging kontrobersiya sa kagawaran matapos ang naging isyu sa P11B shabu smuggling na lumusot sa GMA, Cavite.

Suportado rin ni Tulfo ang takeover ng militar sa sa Customs para aniya malinis ang ahensya.

“Ang sabi nila, kahit na raw si Jesus Christ magiging corrupt ‘pag napunta sa Customs,” dagdag pa niya.

Dahil sa mga sunod-sunod na suliranin sa droga, aaksyon na rin umano si Tulfo para naman mapigilan ang mga drug trafficker sa China, na matatandaang ilang Chinese national ang hinihinalang nagpasok ng shabu.

“I can try talking to government, law enforcement officials in China to apprehend the Chinese syndicates because China hates drugs, abhors drugs, so I can ask China to arrest or apprehend drug traffickers,” pakli ni Tulfo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?