5

Oct 16, 2020 @ 15:06
By

Mga kooperatiba iba-ban sa pag-angkat ng bigas – DA

Inihayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na kanila nang ipagbabawal ang mga kooperatiba sa pag-angkat ng bigas.

Ito’y matapos ibunyag ni Senadora Cynthia Villar pagdinig ng Senate on agriculture na ginagamit ng mga rice importer ang mga kooperatiba para makalusot sa pagbabayad sa taripa.

“They are being used by the traders. Ginamit na ‘yan before eh. Nang makulong, ako pa nagbayad ng kanilang piyansa kasi naawa ako eh. Ginamit sila eh. Nung iniimbestigahan na sila, wala na ‘yung trader. Sila na lang ang nawalan, sila na lang ang nakulong. Kawawa ‘yang mga coop na ‘yan,” pahayag Villar. agriculture and food.

“They said if you use the coop, you are not paying tariff. Kaya ginagamit na ng rice importer ‘yung coop,” dagdag pa ng chair ng Senate committee on agriculture and food.

Nangako naman si Dar na hiindi na niya papayagan ang mga kooperatiba at mga asosasyon sa pag-angkat ng bigas sa ibang bansa.

“I will issue an order not to allow now coops and associations to import (rice). Iba-ban po namin,” ayon sa Agriculture secretary.

Inihayag pa ni Dar na hindi sila ang nag-isyu ng permit sa pag-angkat na bigas mula pa noong Setyembre dahil sapat naman ang lokal na suplay nito sa kasalukuyan.

Iginiit naman ni Senador Francis Pangilinan na dapat tulungan ng gobyerno ang mga kooperatiba sa pamamagitan ng direktang pagbili ng bigas sa kanila.

“Part of the reason na ginagawa ‘yan ng mga coopetives ay sila ay naaanggihan,” sabi ni Pangilinan.

“Doon po natin dalhin [sa local government] ang mga cooperative para huwag na sila mag-import. Magbenta na lang sila nang magbenta sa LGU at ang LGU bumili sa kanila. Doon sila maaanggihan sa tama,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?