309

Jul 25, 2018 @ 17:54
By

Mga kongresista, nagkasigawan sa sesyon

Nabalot ng tensyon ang sesyon ng mga kongresista ngayong hapon.

Ito ay matapos kuwestyunin ni dating House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang resolusyon na nais aprubahan ng mayorya para ilagay sa record ang pagiging Speaker ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Tanong ni Fariñas kung dumaan sa House Rules Committee ang resolusyon dahil siya aniya ang pinuno ng nasabing komite.

Pero ayon kay Deputy Speaker at presiding officer Rolando Andaya, hindi na si Fariñas ang majority leader noong naganap ang eleksyon at ito ay si Deputy Speaker Fred Castro na itinalagang interim majority leader.

Nagsisigaw naman si ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na humarang sa pag-apruba sa resolusyon.

Nagreklamo pa ito na pinatayan umano siya ng mikropono at sinabing dapat mahiya ang kanyang mga kasamahang kongresista.

Sa huli ay natuloy din naman ang pag-apruba sa resolusyon at naitala na sa record ng Kamara ang pagiging Speaker ni GMA. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?