108

Dec 26, 2017 @ 14:48
By

Mga kongresista, hati sa pagbibitiw ni Pulong

Hindi bilib si ACT Teachers Rep. France Castro sa pagbibitiw ni Davao City Vice Mayor Paolo ‘Pulong’ Duterte.

Katuwiran ni Castro, matagal na dapat itong ginawa ni Pulong noon pa lamang madawit ang kanyang pangalan sa P6.4 bilyong shabu smuggling.

Gayunpaman, sinabi ng kongresista na hindi garantiya ang resignation na ligtas na ito sa mga alegasyon.

Dapat aniyang managot pa rin ang bise alkalde kung mapatunayang sangkot ito sa iligal sa aktibidad.

Hinangaan naman ni Quezon City Rep. Winston Castelo ang ginawa ni Duterte na nagpapakita aniya na meron pa ring delicadeza sa public service.

Umaasa si Castelo na pag-aaralang mabuti ng Pangulo ang desisyon ng anak para sa ikabubuti ng Davao City at hindi lamang dahil sa political pressure ng mga nasa oposisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?