32

Nov 17, 2021 @ 16:05
By

Mga kompanya pipiliting mag-recycling

Naghain ng panukala si House Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar upang magkaroon ng mas malaking responsibilidad ang mga kompanya sa plastik na ginagamit sa kanilang mga produkto.

Sinabi ni Villar na inihain nito ang House Bill 10498 matapos ang pakikipagkonsultasyon sa iba’t ibang organisasyon kaugnay ng plastic at solid waste management ng bansa.

Ayon kay Villar nakakabahala na ang Pilipinas ay ikatlo sa pinakalamaking nagdaragdag ng polusyon sa mundo, sunod sa China at Indonesia, umaabot sa 2.7 milyong metriko toneladang basurang plastik ang nalilikha sa bansa kada taon.

Sa ilalim ng panukalang Extended Producer Responsibility, bubuuin ang isang mekanismo upang mabawi ang plastik na ginamit sa iba’t ibang produkto at hindi maging kalat.

Ang mga makokolektang plastik ay ire-recycle upang muling magamit at mapakinabangan.

Ang mga imported na makinarya na kakailanganin ng mga kompanya sa recycling ay bibigyan ng tax exemption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?