66

By

Mga kokontra sa info campaign ng federalismo, inaasahan na ng Palasyo

Sharing is caring!

Hindi inaalis ng Malacañang ang posibilidad na may mga grupong mag-iikot para kontrahin ang ilalargang malawakang information campaign sa federalismo.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar na hahayaan nila ang oposisyon dahil mayroon namang umiiral na demokrasya sa bansa.

Mas mainam aniya na magkaroon ng debate sa publiko para malinawan ang publiko kung ano itong federalismo na nais isulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Mas maganda na may public discussion o debate para talagang magkaalaman kung talaga bang itong federalism ay kailangan ng taombayan o hindi. Kung meron tayong debate, we will also be up in our toes, kami sa administrasyon and those who believe in federalism kung ano ang dapat atake pagdating sa communication, ani Andanar.

Sinabi ng kalihim na unang target ng kanilang information drive ay ang mga estudyante sa kolehiyo at gagamiting network ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Commission on Higher Education (CHED).

Ang Philippine Information Agency (PIA) naman at iba pang ahensiya ng pamahalaan ang ita-tap para makarating sa mga liblib na lugar ang mga impormasyon patungkol sa federalismo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?