80

Jan 27, 2020 @ 11:18
By

Mga klase sa ilang paaralan sa Manila suspendido sa coronavirus threat

Bilang pag-iingat sa paglaganap ng novel coronavirus (2019-nCoV) sa China at iba pang Asyanong bansa, nagsuspinde ng klase ang ilang Chinese school at iba pang paaralan sa Maynila ngayong Lunes, Enero 27, 2020.

Gayunman, pinapapasok ang lahat ng teaching and non-teaching personnel ng parehong campus ng Chiang Kai Shek College para pag-usapan ang aksiyon sa nasabing isyu.

Pinapapasok din ang lahat ng faculty at staff ng St. Stephen’s High School na “asymptomatic” o wala pang nararanasang sintomas ng sakit at hindi bumiyahe sa danger areas.

Narito ang listahan ng mga nagsuspinde ng klase sa lahat ng antas:

– Chiang Kai Shek College (Padre Algue at Narra campuses)
– Hope Christian High School
– Lorenzo Ruiz Academy
– Philippine Cultural College
– St. Jude Catholic School
– St. Stephen’s High School
– Tiong Se Academy

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?