232

Feb 27, 2019 @ 15:29
By

Mga kilalang angkan sa Mindanao, bubuo sa Bangsamoro Transition Commission

Inilabas na ng Malacañang ang listahan at appointment papers ng mga bumubuo ng Bangsamoro Transition Authority o BTA para sa itatatag na Bangsamoro political entity sa Mindanao.

Kabilang sa mga hinirang na maging bahagi ng BTA ay sina Moro Islamic Liberation Front (MILF) peace negotiator Mohagher Iqbal at ilang personalidad na galing sa mga kilalang angkan sa Mindanao gaya ng mga apelyidong Mangudadatu, Pangamdaman at Abbas.

Hinirang na chief minister ng BTA si Ahod Balawag Ebrahim.

Kabilang din ang isang Ampatuan sa magiging miyembro ng BTA na si Baintan Adil Ampatuan na executive director ng Regional Planning and Development Office ng dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Umabot lamang sa 77 ang komposisyon ng BTA at hindi 80 gaya ng unang napaulat.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 22, 2019 ang opisyal na dokumento sa pagtatatag ng BTA matapos iabot ng Commission on Elections sa kanya ang resulta ng plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law o BOL.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?