26
views

Mga kemikal, gamit sa paggawa ng shabu nasabat sa Malabon shabu lab

Sharing is caring!

May ilang metro lang ang layo mula sa isang elementary school ang gusali na hinihinalang shabu laboratory na sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Dela Cruz Street, Barangay Tenejeros sa Malabon nitong Biyernes.

Ayon sa ulat, nakita sa loob ng kuwarto sa isang 3-storey building ang ilang bote na may lamang likido, mixers, kalan, at ilan pang umano’y panggawa ng shabu.

Naaresto rito ang limang Filipino na target ng operasyon at isa pang Chinese national.

Konektado umano ito sa naunang nasalakay na shabu laboratory sa Batangas, kung saan apat na Chinese at limang Pinoy ang nahuli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?