25

May 15, 2020 @ 16:24
By

Mga kawani ng NLEX isinailalim sa rapid mass testing

Isinailalim sa rapid mass testing ang mga kawani ng North Luzon Expressway (NLEX), upang matiyak na ligtas sila sa COVID-19 sa pagharap nila sa mga kostumer na kanilang seserbisyuhan.

Sinabi ni Luigi Bautista, President at General Manager ng NLEX Corporation, sinisiguro nilang ligtas sa anumang virus ang kanilang mga empleyado at susunod sila sa ipinatutupad na protocol ng pamahalaan.

Itinuturing din na ang mga kawani ng mga expressway ay kabilang sa mga frontliner dahil sila ang laging humaharap sa mga motorista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?