141

Nov 28, 2017 @ 18:35
By

Makati, may libreng bakuna kontra Japanese encephalitis

Sa pangunguna ni Makati City Mayor Abby Binay, sinimulan na ang pagbibigay ng libreng bakuna kontra sa sakit na Japanese encephalitis sa mga kawani ng pamahalaang lungsod.

Target ng public vaccination program na bago matapos ang taon, nabakunahan na ang lahat ng mga city government employees at sa unang buwan ng 2018 ay mabakunahan naman ang mga kinder at elementary pupils sa mga public schools sa lungsod.

Tiniyak naman ni Dr. Bernard Sese, acting chief at city health officer, hindi nila babakunahan ang mga estudyante kung walang permiso ng mga magulang.

Paliwanag ni Sese, sa lamok man nakukuha ang sakit, gaya ng dengue, mas matindi ang epekto nito maging sa mga gumaling sa Japanese encephalitis.

Banggit nito, sa 133 na naitala ng Department of Health na tinamaan ng nabanggit na sakit simula noong Enero, may siyam na ang namatay. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?