28

Dec 5, 2017 @ 16:14
By

Mga kaso vs dengue vaccine culprits, tiniyak ng Palasyo

Hindi mangingimi ang administrasyon na ipataw ang buong puwersa ng batas sa mga dating opisyal na mapapatunayang nagkamali sa pagbili at pagpapatupad ng bakuna kontra dengue.

Inihayag ito ng Malacañang matapos simulan na ng Department of Justice (DOJ) ang imbestigasyon sa biniling depektibong anti-dengue vaccine ng nakalipas na administrasyon na nagkakahalaga ng P3.5 bilyon.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, babantayan at hihintayin nila ang resulta ng imbestigasyon kasabay ang pagtiyak na hindi nila ito hahayaang maibaon sa limot.

Kapag aniya mapatunayan sa imbestigasyon na may batayan para kasuhan ang mga dating opisyal ay titiyakin ng kasalukuyang administrasyon na mapanagot ang mga ito sa ilalim ng batas.

“The DOJ has already commenced with its investigation. They have included even former President Noynoy Aquino in their investigation. Let’s await for the results of the investigation.

“We would like to assure the public that we’re not taking down the Dengvaxia issue sitting down. And that if there are people or if there will be culprits and if it is proven that there’s a cause of action against them, then this administration will not hesitate to use the full force of the law against them ‘no. But so far, let us await for the investigation,” ang pahayag ni Roque.

Sinuspinde na ng Food and Drug Administration ang pagbebenta ng Dengvaxia matapos lumabas ang kontrobersiyal na pahayag mismo ng manufacturer nito, ang Sanofi Pasteur, na may peligro ang bakuna sa mga batang hindi pa dinapuan ng dengue. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?