79

May 6, 2020 @ 10:15
By

Mga Kapuso celeb sumuporta sa ABS-CBN

Maging ang ilang artista ng GMA, binida ang mga pusong kulay-pula, luntian, at bughaw–ang mga kulay ng ABS-CBN logo.

Naghatid ng yakap at dasal ang mga aktres na sina Maine Mendoza, Bea Binene, Lovi Poe, at Julie Anne San Jose, habang ‘di naman makapaniwala sina Janine Gutierrez at Gabbi Garcia nang ipahinto ng National Telecommunications Commission ang pagsasaere ng kabilang TV network matapos mapaso ang prangkisa nito noong Mayo 4.

Pagmamahal naman ang hatid ni “Eat Bulaga” host Paolo Ballesteros sa mga Kapamilya, at pinost ang larawan ng ABS-CBN ribbon sa kanyang Instagram.

https://www.instagram.com/p/B_zkokugVPU/?utm_source=ig_web_button_share_sheet

Nasa 11,000 ang kabuuang bilang ng mga kawani na apektado ng pagpapasara sa ABS-CBN.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?