29

By

Mga kapitan dawit din sa ‘pagtulog sa pansitan’ noong Ompong

Inanunsiyo ng Department of Interior and Local Government na hindi lang ang 16 alkalde sa Cordillera at Cagayan Region ang iniimbestigahan kaugnay sa naging paghahanda nila sa bagyong Ompong.

Sinabi ni Interior Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, maging ang mga barangay chairman, na hindi nakita habang sinasalanta ng bagyo ang kanilang lugar ay iniimbestigahan na rin.

“Kapag nawala ka kapitan, mayroon kang criminal liability. Kapag may namatay, kasalanan mo ‘yan dahil hindi mo tinupad ang trabaho mo,” ayon kay Diño.

Sinabi nito na ang mga kasong isasampa ay ibabase sa Local Government Code.

Ibinahagi pa ng opisyal na bumuo na ng investigating team para imbestigahan ang mga punong barangay sa posibleng kapabayaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?