11
r-kelly

Mga kanta ni R. Kelly, tinanggal sa playlists ng Spotify

Sharing is caring!

Inakusahan ng sexual misconduct si American R&B singer R. Kelly at naging sentro ngayon ng kampanya para iboykot.

Bunga nito, tinanggal na ang mga kanta nito sa playlists at recommendations sa Spotify.

Si Kelly ay isa sa most successful R&B singers, pero ngayon ay target ng online #MuteRKelly boycott campaign.

“We don’t censor content because of an artist’s or creator’s behavior, but we want our editorial decisions – what we choose to program – to reflect our values.

“When an artist or creator does something that is especially harmful or hateful, it may affect the ways we work with or support that artist or creator,” paliwanag ng Spotify.

Ang Spotify ang may largest music streaming service sa buong mundo. Mayroon itong 75 million paid subscribers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?