27
sk-elections-comelec
By

Mga kandidato sa barangay, SK elections umabot na sa 17K

Sharing is caring!

Sa ikalawang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacies (COCs), umaabot na sa mahigit 17,000 ang bilang ng mga naghain ng kanilang kandidatura para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa May 14, 2018.

Sa pinakahuling ulat ng Commission on Elections (COMELEC), kabuuang 17,481 ang mga naghain na ng COCs mula sa 339 na lungsod at munisipalidad.

Mula sa nasabing bilang, 13,982 ang naghain para sa eleksyon sa barangay kung saan 1,986 ay para sa labanan sa barangay chairman, habang 11,996 naman ang naghahangad na mahalal bilang barangay kagawad.

Para naman sa SK elections, 845 na ang naghain ng COCs para sa posisyon ng SK chairman, habang 2,654 naman ang nais na maging SK kagawad.

Base pa sa tala ng COMELEC, mayroong 42,041 na kabuuang bilang ng mga barangay sa bansa.

Ang kabuuang bilang ng mga botante para sa BSKE ay mahigit 78 million kung saan 57.3 ay mga botante sa barangay elections, habang 20.6 million naman ang botante para sa SK Elections.

Ang paghahain ng COCs ay nagsimula kahapon, April 14 at ito ay tatagal hanggang April 20, 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?