28
ABANTE judicial and bar council jbc
By

Mga kandidato para sa pagka-CJ ginigisa ng JBC

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, ex-officio member ng Judicial and Bar Council (JBC), na nagsasagawa ngayon ng screening ang JBC para sa mga kandidato sa pagka-punong mahistrado.

Kabilang dito sina Justices Antonio Carpio, Estela Perlas Bernabe, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, at Andres Reyes Junior.

Nauna nang kinatigan ng JBC ang resolusyon ng Korte Suprema na huwag nang isalang sa public interview ang mga senior justice ng Korte Suprema na kandidato para sa Chief Justice position.

Gayunman, nilinaw ng JBC na maaari pa rin nilang isalang sa pagtatanong ang mga aplikante sa pamamagitan ng closed-door proceedings.

Kumbinsido ang JBC na hindi naman magdudulot ng kapakinabangan kung gagawing bukas sa publiko, sa pamamagitan ng media, ang paggisa sa mga aplikante na mahistrado ng Korte Suprema gayong kasama sa mga matatanong ay ang isyu kaugnay ng kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) at iba pang personal na isyu.

Dati na naman daw pati silang naisalang sa public interview nang sila ay mag-apply bilang Supreme Court Associate Justice.

Samantala, kinumpirma rin ni Guevarra na sa November 16 ay maglalabas na ang JBC ng shortlist para sa isang associate justice post.

Partikular ang pwestong binakante ni retired Chief Justice Teresita De Castro na sumapit sa mandatory retirement age na 70 noong October 10.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?