drug-test-1
By

Mga kandidato, hinamong magpa-drug test ni Albayalde

Sharing is caring!

Sinabihan ni Philippine National Polie (PNP) Chief Police Director General Oscar Albayalde ang mga barangay at Sangguniang Kabataan candidates na sumailalim sa drug test challenge.

Sa Real Numbers Forum na isinagawa sa national headquarters ng Camp Crame sinabi ni Albayalde na ito ang pinakamadaling paraan para patunayan na walang sangkot na kandidato sa iligal na droga.

“Remember in Region 1 there were candidates and incumbent who underwent voluntary drug test to show sincerity, so it’s a challenge to everyone na tumatakbong SK at barangay elecitons to voluntarily to undergo drug test,” sabi ni Albayalde.

Ginawa ni Albayalde ang pahayag matapos ilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng listahan ng barangay officials na umano’y sangkot sa iligal na droga.

Sa pagpapalabas ng “narco list” ng PDEA umani ito ng batikos sa ilang mga sektor dahil sa umano’y maaaring kasiraan na idudulot nito sa pagkatao at kandidatura ng barangay officials na kasama sa listahan.

Una nang sinabi ni Albayalde na tatangapin nila ang mga boluntaryong susuko na kasama sa “narco list” para linisin ang kanilang pangalan at magpa-drug test.

Paliwanag pa ng hepe, idinadahilan kasi ng mga kandidato na hindi obligado sa ilalim ng batas ang drug test.

Pero kahit hindi aniya inoobliga ng batas, ay wala naman sigurong dapat ikatakot ang mga ito kung talagang hindi sila gumagamit ng iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?