24

By

Mga kalsada, tulay sa Marawi nalinis na sa bomba

Sharing is caring!

Nadadaanan na ang lahat ng pangunahing kalsada at tulay sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, 100% nang nalinis ng militar ang lahat ng kalsada mula sa mga pampasabog na itinanim ng mga terorista.

Natanggal na rin aniya ang mga tipak ng pader sa mga kalsada at dinemolish na ang ilang gusali para madaling makadaan ang mga maghahatid ng materyales sa rehabilitasyon ng lungsod.

Sinabi pa ni Arevalo, nasa 500 inhinyero ng militar ang ipinadala sa Marawi na siyang tututok sa pagbabalik ng suplay ng kuryente at tubig at pagsasaayos ng nasirang mga gusali gaya ng Grand mosque, Bato mosque at St. Mary’s Church.

Sa ngayon nakumpleto na aniya ng kanilang mga engineers ang ground preparation sa bahagi ng temporary resettlement area sa Brgy. Sagon-songan.

“Aside from engineer manpower, we have utilized our construction vehicles and equipment to clear-off rubbles and debris as well as in the demolition of buildings in the city’s MBA. We are yet to identify possible dump sites locations for the unexploded ordnance and IEDs,” sabi pa ni Arevalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?