198

Dec 19, 2018 @ 17:35
By

Mga kalsada sa Parañaque, isasara sa MMFF Parade of Stars

Sasarhan ang ilang pangunahing lansangan sa Parañaque City sa Linggo, Disyembre 23, na babagtasin ng Parade of Stars para sa taunang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sasama sa parada ang mga artista ng mga pelikulang kalahok sa film festival.

Sa abiso ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ng organizing committee ng MMFF, alas-12:00 ng tanghali sasarhan na sa trapiko ang Dr. A. Santos Avenue (dating Sucat Road).

Ala-una naman ng hapon mag-uumpisa ang parada sa Sta. Rita Avenue.

Kasunod nito, liliko ang parada sa Medina Avenue (dating Kabihasnan Avenue) at mula roon ay kakanan sa Quirino Avenue, kakaliwa sa MIA Road gamit ang eastbound lane, kakanan sa Macapagal Avenue eastbound lane hanggang makakaliwa sa Bradco Avenue kung saan tatapusin ang parada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?