ABANTE bicol landslide daanan road
By

Mga kalsada sa Bicol hindi madaanan dahil sa landslide

Sharing is caring!

Nagsasagawa na ng clearing operations ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga kalsada sa Bicol Region na dumanas ng landslide dahil sa patuloy na pag-ulan na nararanasan doon.

Sa Albay, nagpapatuloy ang clearing operations sa mga guho ng lupa sa Barangay Sogo at Dapdap sa Tiwi kung saan isang lane lamang ang nadaraanan ng mga motorista.

Sa Camarines Sur, pansamantalang isinara sa traffic ang Albedo Highway habang nagpapatuloy ang clearing operations bunsod ng landslide.

Dumanas din ng landslide ang Nabua-Balatan Road pero hindi naman isinara ang kalsada sa mga motorista.

Sa Catanduanes, isang lane lamang ang bukas sa mga motorista sa Barangay Summit at Sagrada sa Bayan ng Viga na bahagi ng Circumferential Road bunsod ng mga guho ng lupa at pagbaha.

Ganito rin ang sitwasyon sa Junction Panganiban-Sabloyon Road sa San Miguel, Panganiban.

Nagsasagawa na ng clearing operation ang DPWH sa mga nabanggit na kalsada para maayos na madaanan ng mga motorista. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?