470

Sep 22, 2021 @ 11:04
By

Mga kalmot ni Julian Ongpin galing sa pako, hindi kay Bree Jonson – pulis

Bumwelta si Julian Ongpin kaugnay sa kontorbersiyal na mga sugat niya sa braso na pinaniniwalaang kuha sa kalmot.

Aniya, nakuha niya ang mga sugat dahil sa pagpilit niyang mabuksan ang pinto ng CR kung saan nagkulong si Bree Joonson sa isang resort sa San Juan, La Union.

Batay sa ulat ng GMA News, nakikigpag-ugnayan umano ang 29 anyos na kelot sa kapulisan ng Police Regional Office 1 na pinangungunahan ni Brigadier General Emmanuel Peralta.

“‘Yung sinasabi niya (Julian Ongpin) sa likod at kamay, gawa ng pagsuot niya sa maliit na pintuan sa CR (comfort room) Kasi nu’ng hindi lumalabas si Breana, sinira niya (ang pinto) at nasugatan siya. Nasugatan siya sa pako,” wika ni Perlta sa panayam ng dzBB.

“‘Yun ang kwento niya, pumasok si Breana sa CR. Nagtaka siya na ang tagal, almost one hour so kinatok niya (pero) ‘di siya pinagbubuksan,” dagdag pa niya.

Batay sa report, nakikipagtulungan din umano ang abogado ni Ongpin sa mga awtoridad.

Nito lamang Sabado nang matagpuang wala ng buhay ang 30 anyos na artist sa hotel room na tinuluyan niya kasama ang kanyang nobyo na si Julian.

Nasamsam naman sa naturang kwarto ang mahigit 12 gramo ng cocaine na siyang pagmamay-ari umano ng kelot.

Naaresto noong linggo si Julian ngunit agad din itong pinalaya.

Batay sa report, si Julian ay anak ng business tycoon na si Bobby Ongpin. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?