26

Jan 14, 2021 @ 19:43
By

Mga kakalusing tiwali sa DPWH madadagdagan pa, mga hukom binalaan ng Pangulo

Aasahang may mga masasagasaan pang mga opisyal at tauhan ng Department of Public Works and Highways sa ginagawang paglilinis sa mga tiwali sa ahensiya.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng Skyway 3 project sa Quezon City.

Sa kanyang talumpati, pinuri ng Pangulo si DPWH Secretary Mark Villar dahil sa inilunsad na pagbalasa sa kanyang departamento laban sa mga tiwaling mga tauhan nito.

“I’d like to congratulate Secreyary Villar for initiating a total revamp sa DPWH and there will be more to come. Did I not tell you a little about a few days ago o months that i will dedicate the remaining years of my mayorship dit sa corruption? Talagang uupakan ko kayo!” anang Pangulo.

Inaasahan na ng Presidente sa Korte Suprema ang mga masasagasaan ng kanyang gagawing paglilinis kaya winarningan nito ang mga hukom na huwag mag-isyu ng temprary restraining order dahil mapapahiya lang ang mga ito.

“If you want a clean government, judges , if you are with us, do not, unless it is a compelling reason that if buhay mo ang nakataya, huwag kasi mag-aaway tayo. It’s either I will not allow you to stop it. Mapapahiya ka, bubulyawan pa kita in public,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?