106

May 6, 2021 @ 19:59
By

Mga kabayo sa Baguio tinamaan ng virus

Isasalang sa euthanasia o ia-isolate ang may 21 kabayo sa Wright Park at Camp John Hay sa Baguio City.

Ayon sa ulat, nagpositibo ang mga kabayo sa Equine Infectious Anemia (EIA) habang ang iba ay may bacterial infections.

Kinumpirma ng City Veterinary and Agriculture Office na 21 sa 58 kabayo ang na-test na EIA positive habang apat ay may bacterial infections.

“From the laboratory examination, 21 out 58 horses tested positive for EIA, while four had bacterial infections. It was then recommended that infected animals be euthanized or permanently isolated at a distance of 200 to 500 meters away from other horses,” saad ng Baguio PIO.

ISOLATION OF SICK HORSES MANDATED

05 May 2021 – Horses, considered as one of the tourist attractions at the Wright Park…

Posted by Public Information Office – City of Baguio on Tuesday, May 4, 2021

Isinagawa ang pagsusuri sa mga kabayo matapos mai-report ang pagkamatay ng 27 kabayo sa Wright Park simula Marso.

Samantala, naglabas si Mayor Benjamin Magalong ng Executive Order No. 56 para sa mandatory isolation ng lahat ng kabayo sa lungsod na may sakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,