382

Dec 9, 2017 @ 11:21

Mga kabataan nag-rally sa Mendiola kontra Lumad killings

Nag-rally ang ilang bata sa Mendiola, Maynila upang kondenahin ang pagpapasara sa Lumad school sa Mindanao.

Sinabi ni Eule Rico Bonganay, secretary-general ng Salinlahi Alliance for Children’s Concerns, tatlong ‘P’ ang pamasko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kabataan at ito ay ang ‘Pamamaslang’, ‘Pambobomba’ at ‘Paglabag’ sa karapatang pantao, ayon sa DZMM.

Kinondena nila ang pagpatay o pambobomba sa mga Lumad communities sa bintang na sila umano ay NPA at pagpatay din sa mga hinihinalang drug pusher at pagbansag na terorista sa mga kritiko ng pamahalaan.

Dala nila sa kanilang protesta ang ginawang mala-Christmas Tree effigy na tinawag nilang ‘KRISMASsacre Tree’ na may mga palamuting bomba at bala.

Sa ilalim nito ay mga kahon ng regalo pero may drawing ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJKs).

Katabi ng effigy ang mascot ni Duterte na bagama’t nakasuot ng sumbrero ni Santa Claus ay naka-uniporme naman ng militar na may hawak na baril kunyari.

Bunga nito’y sarado ang Mendiola kung saan bantay-sarado na ng mga awtoridad ang kanilang rally.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?