20

Nov 25, 2021 @ 20:25
By

Mga ka-Blackpink ni Lisa negatibo sa COVID

Na-test na negative sa COVID-19 ang mga Blackpink member na sina Jisoo, Jennie at Rose.

Ayon sa Soompi report, kinumpirma ito ng agency ng K-pop group na YG Entertainment.

“Following their real time RT-PCR tests, Blackpink’s Jisoo, Rosé, and Jennie have received negative confirmed results,” saad nito.

Noong Miyerkoles nagpositibo ang isa pang miyembro ng Blackpink na si Lisa.

Wala umanong anumang sintomas ng virus si Lisa at nasa mabuting kalagayan ang kanyang kalusugan, ayon pa sa YG.

Sa kabila ito na bakunado na laban sa COVID sina Lisa, Jisoo, Jennie at Rose.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?