44

By

Mga K-Pop fan tinawag na ‘ipokrita’ si TV host Korina

Sharing is caring!

Nainterbyu ni Korina Sanchez sa ‘Rated K’ ang K-Pop girl group Momoland, kamakailan.

Sinabihan siya ng grupo ng “maganda ka” na sinagot niya sa Korean language “annyeonghaseyo” meaning ‘hi or hello’ sabay tawa. Hindi nagustuhan ng K-pop fans ang ginawi ng TV host.

Muli nakuha ng mga K-Pop fan ang attention ng mag-post si Korina sa kanyang social media account ng komento hinggil pa rin sa K-Pop boy band group naman.

May concert last Sept. 1 ang Wanna One boy band group sa MOA Arena. Nanood ang TV host ng concert.

The following day, post ni Korina, “The kids went gaga over Wanna One tonight, and imagine P13,000 tickets and kids get their parents to spend for songs the lyrics of which hindi naman naiintindihan ng Pinoy (Filipinos don’t understand)!” Ang naturang komento ay agad ding dinelete ng TV host.

May dugtong pa siya, “The phenom is worldwide. It’s the look, I think!” All K-Pop concerts I’ve been to are filled with screaming kids na nilalagnat (who are feverish)! Basta, malaki ang contribution ng Pilipinas sa ekonomiya ng Korea (The Philippines has a huge contribution to South Korea’s economy).”

Obserbasyon ni Korina na minasama ng K-Pop fans. May nakapag-screen grab ng dinelete niyang post at kinalat ng fans sa social media.

Sinabihan pa ng mga K-Pop fan ang TV host na may English translation ang Korean lyrics na nasa online na. Referring ito sa maling pagsagot ni Korina sa sinabi ng Momoland na “maganda ka.” Ang sagot ng TV host ay “annyeonghaseyo” na hindi tama ang sagot.

Dahil kumalat na sa social media ang deleted post ni Korina, muling nag-post ang TV host, pero edited na.

‘Di na negativity ang kanyang nilagay kundi positivity.

Sabi ng K-Pop fans ipokrito raw ang TV host. Kung hindi raw nito hinahangaan ang mga Korean group bakit daw siya nanood ng concert ng Wanna One. Well, oo nga naman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?