20

Feb 23, 2020 @ 15:07
By

Mga K-pop event naudlot sa coronavirus

Dahil sa pagsirit ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa South Korea, kinansela ang ilang aktibidad ng mga K-pop idol doon.

Nitong Biyernes, Pebrero 21, inanunsiyo ng FNC Entertainment via SF9’s fan cafe na ipagpapaliban ang ikatlong 3rd official fan meeting ng K-pop boy group, Gaganapin dapat ito ngayong Linggo, Pebrero 23.

Pinabatid din ng JYP Entertainment via 2PM’s official fan community na hindi na itutuloy ang public greeting ng member na si Wooyoung, dapat ay sa Pebrero 28. Bagkus, babatiin niya na lang ang mga fan via ‘V Live.’

Pebrero 21 napaulat ang 52 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa SoKor sa loob lang ng 24 oras, kabilang ang 41 kaso mula sa Daegu/Kyungbuk region.

Sa ngayon, pumalo na sa 556 ang kabuuang bilang ng mga nahawa sa coronavirus sa South Korea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?