867

By

Mga journalist, nagluksa sa pagpanaw ni Cesar Apolinario

Malungkot na balita ang tumambad nitong Biyernes, Disyembre 13, sa pagpanaw ng beteranong mamamahayag na si Cesar Apolinario.

Base sa ilang report, lymphoma ang naging sanhi ng pagkamatay ni Apolinario na isa sa mga primyadong reporter ng GMA-7, at mas nakilala sa mga documentary videos nito para sa I-Witness at naging co-host ni Susan Enriquez para sa IJuander.

Bumuhos ang pakikiramay kay Apolinario sa social media, ilan dito ay mga naging kasamahan niya sa industriya.

“He was more than a colleague, he was a friend. There are no words. Godspeed and rest in peace,” ayon sa GMA journalist Raffy Tima patungkol kay Apolinario.


“Rest in peace, Direk @CesarApolinario. You were always good at what you did, and unfailingly kind. Sincerest condolences to your family and to your bereaved colleagues,” pakikiramay naman ni Asian Center for Journalism chairperson John Nery.

Ilan pang mga netizen ang nakiramay sa pagpanaw ni Apolinario.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?