9

Aug 19, 2020 @ 12:13

Mga jeepney driver isasabak sa blended learning

Bilang ayuda na rin dahil sa kawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19 pandemic, bibigyan umano ng trabaho ng pamahalaang lokal ng Makati City ang mga jeepney driver sa kanilang lungsod.

Ayon kay Mayor Abby Binay, ito’y sa pamamagitan ng proyektong Mobile Learning Hub ng lungsod kung saan magiging katuwang ang mga jeepney driver ng mga guro at librarian.

Base sa pahayag ng tanggapan ni Binay, layunin umano ng proyekto na tulungan ang mga mag-aaral at kanilang mga magulang para makasabay sa mga bagong pamamaraan ng pag-aaral ngayong panahon ng pandemya sa pamamagitan ng blended learning.

Inihayag pa nito na nakikipag-ugnayan na ang pamahalaang lokal sa Makati Jeepney Operators and Drivers Association (MJODA) para sa kukunin nilang 27 jeepney na gagamitin sa pag-iikot sa mga barangay kapag nagsimula na ang blended learning sa Oktubre 5.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?