473

Jun 17, 2019 @ 20:57
By

Mga itlog ng pawikan pinagtatadyakan, Chinese kalaboso

Isang babaeng Chinese ang inaresto matapos tusok-tusukin ng kahoy at sipain ang pugad ng pawikan.

Ayon sa ulat ng Miami Herald, nasaksihan mismo ng mga officer at bystander ang ginawa ni Yaqun Li sa sea turtle nest noong Sabado sa Miami Beach sa Florida, United States.

Nilagyan na umano ng yellow tape ang naturang pugad para lumayo ang publiko sa naturang lugar pero nilabag ito ni Li.

Bunga nito, kinasuhan ang 41-anyos na si Li ng “harassing marine turtles or their eggs”.

Ikinulong na si Li sa Turner Guilford Knight Correctional Center habang itinakda ang kaniyang piyansa sa $5,000 o halos P261,000.

Samantala, masuwerte umanong hindi na-damage ang mga itlog, ayon kay Miami Beach police spokesman Ernesto Rodriguez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?