173

Oct 7, 2021 @ 20:19
By

Mga isda nahumaling kay Catriona

Maging mga isda ay nahumaling sa alindog ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Nasa Mauritius, Africa ngayon si Catriona kasama ang boyfriend na si Sam Milby sa unang on-screen project nila para sa GlobalChildTV.

Sa isang sea photoshoot nito, makikita si Catriona habang nakasuot ng blue swimsuit at nakaluhod sa dagat.

Sobrang linis ng dagat at kita ang mga legs ni Catriona na pinalilibutan ng mga isda na striped black and blue ang kulay.

“Discovering the beauty underneath the crystal clear seas of Mauritius,” caption ng beauty queen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?