54

Mar 17, 2020 @ 14:55
By

Mga international flight mula Luzon, ipagbabawal na

May nalalabing 72 oras na lang ang mga gugustuhing mangibang bansa galing sa lahat ng airport sa Luzon.

Batay sa bagong guideline na nilabas ng Inter-Agency Task Force para sa enhance community quarantine, lahat ng lalabas sa bansa mula Luzon ay pagbabawal matapos mapaso ang 72-hour window.

Ibig sabihin, alas-12 ng hatinggabi ng Biyernes ay wala nang pupwedeng international flight palabas ng Luzon.

Papayagan naman ang mga international passenger na makapasok sa Pilipinas, ngunit ilang airline na tulad ng Philippine Airline ang nagsabi na lahat ng kanilang international flight ay hanggang March 20 na lang.

Ang mga maaapektuhan paliparan ay ang Ninoy Aquino International Airport, Clark International Airport, Subic Bay International Airport, at Bicol International Airport.

Samantala, papayagan naman ang mga Filipino citizen na makapasok sa bansa, kabilang dito pati ang mga foreigner nilang asawa at anak, permanent resident visa holder at diplomat visa holder.

Ngunit nilinaw ng Office for Transportation Security na walang pwedeng sumundo sa kanila sa mga paliparan dahil hindi ito tinuturing na essential travel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?