146

Sep 10, 2021 @ 18:37
By

Mga insurance company pinatatakbo si Robredo

Dumarami ang mga samahan na nanghihikayat tumakbo si Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo sa 2022 elections.

Sa inilabas na pahayag ng ilang ahente at opisyal ng mga life at non-life insurance company nationwide, nagkaisa sila para manawagan kay Robredo na tumakbo.

Tinawag nila ang samahan na “Insurers for Leni”.

Anila, ang values-based na klase ng pamumuno ni Robredo ang kailangan ng bansa para masiguro ang mas magandang buhay para sa lahat ng Pilipino.

Ayon kay “Insurers for Leni” convenor Anna Blanco, mayroon silang 1,400 miyembro na mula sa 24 insurance company sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?