7
rodel
By

Mga inirekomendang kasuhan sa Dengvaxia, dapat tuluyan – Batocabe

Sharing is caring!

Dapat umanong pormal na ihain sa korte ang kaso laban sa mga dating opisyal ng nagdaang administrasyon na P3.5 bilyong dengue vaccination program.

Kasunod ito ng inilabas na draft report ng Senate Blue Ribbon Committee ni Senador Richard Gordon, kung saan nakasaad na dapat managot sa Dengvaxia mess sina dating Pangulong Benigno Aquino III, dating Health Secretary Janette Garin, at dating Budget Secretary Florencio Abad.

Ayon kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, dapat ituloy sa korte ang kaso para lumabas ang katotohanan at mabigyan ng hustisya ang lahat kabilang ang mga opisyal na sinasabing responsable rito.

“Then file the proper cases in Court so that the truth will come out and there will be justice for everybody including public officials allegedly responsible,” ani Batocabe.

Aabot sa halos 830,000 mag-aaral ang naturukan ng Dengvaxia bago inamin ng Sanofi Pasteur na delikado ito sa mga hindi pa nagkaka-dengue.

Base sa report ng komite ng Senado, minadali ang pagpapatupad sa Dengvaxia program.

Nagsabwatan umano sina Aquino, Garin, Abad at iba pang opisyal kaya dapat silang managot sa kasong kriminal para sa lahat ng trahedyang idinulot ng naturang bakuna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?