13

Jun 11, 2021 @ 18:24
By

Mga inaamag nang kaso lulutasin ng SC sa loob ng 2 taon

Nangako si Chief Justice Alexander Gesmundo na lulutasin ang mga kasong inihain sa Supreme Court (SC) mula Abril 5 sa loob ng dalawang taon.

Gayundin aniya sa loob ng dalawang taon ay lulutasin ang mga kasong ilan taon nang nakabinbin sa Korte Suprema o mga inaamag na.

Ani Gesmundo, pokus ng panunungkulan niya ang case decongestion at isang technology-driven judiciary.

“Likewise, my fellow justices and I have resolved to decide all petitions, cases, or matters that have been filed before the Supreme Court after April 5, 2021 strictly within the said 24-month period from date of submission pursuant to Section 15 (1), Article VIII of the 1987 Constitution, and to strictly observe requirements for the proper exercise of its power of judicial review,” lahad niya sa una niyang media briefing ngayong Biyernes, June 11.

Noong Abril 5 siya nanungkulan bilang Chief Justice at matatapos ang kanyang termino sa Nobyembre 6, 2026, o pagtuntong ng kanyang ika-70 kaarawan.

Kinokonsidera rin aniya ng SC na mag-hire ng mas maraming law clerk sa mga opisina ng mga mahistrado para tumulong na malutas na ang mga “aging case” o lagpas na sa 24-month na nakasaad sa Konstitusyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?