1,248

Dec 21, 2019 @ 18:52

Mga ibang artista bumilib! Janine pinuri sa pagbanat kay Bong

Nakuha ni Janine Gutierrez ang respeto mula sa iba’t ibang artista matapos nitong patamaan si Senador Bong Revilla sa bagong TV show nito sa GMA.

‘Oh God’ lang ang comment ng Kapuso actress sa balitang magkakaroon ng TV project si Bong next year, ngunit sapat na ito para umani ng papuri sa madla.

Binanatan naman si Janine ng talent manager na si Lolit Solis, sinabing nagpapapansin lang ang aktres at walang karapatan na patamaan si Bong dahil kaibigan ng kanyang lolo na si Christopher de Leon.

Sinabi pang hindi naman nag-rate nang bongga ang kanyang mga project at wala ring malaking movie na humakot sa takilya.

Nag-tweet naman si Janine na tila tugon sa banat ni Lolit.

“So happy that this year I’ve finally learned to say yes to only projects I really like and believe in – no matter what other people say. As it should be with everything else in life,” sey ni Janine.

Dahil dito’y umani ng papuri ang magandang aktres.

Ayon kay spoken word artist at aktor na si Juan Miguel Severo: “Hi @janinegutierrez. Thanks for speaking truth to power. Mas gumanda ka, mga 200%.”

“And guys I wish you’d give her some love. Celebs and high profile individuals are dissuaded to get political. Those who do so despite need to know we got their back.”

Sey naman ni Jim Paredes, “Be strong Janine. Trolls will hit you. Wag ka sanang matinag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?