80

By

Mga huwes, abogado inutil na kapag nanalo ang quo warranto – Sereno

Sharing is caring!

Ibinabala ni Supreme Court Chief Justice -on leave Maria Lourdes Sereno ang pagguho ng hudikatura at pagiging inutil ng mga abogado kapag pinatalsik siya sa puwesto batay sa quo warrato petition ni Solicitor General Jose Calida.

Ginawa ang babala sa pagharap ni Sereno sa pagtitipon ng Philippine Bar Association (PBA) sa Makati City Miyerkules ng hapon.

Ayon kay Sereno, kapag nanalo ang quo warranto petition laban sa kaniya na tinagurian niyang “deadly” at “evil” maari itong ulitin ng SolGen laban sa sinumang mahistrado at laban sa kahit sinong huwes.

Kapag ganito ang sitwasyon, wala na umanong mahistrado at huwes na magiging independiyente.

Kahit mga abogado sa private practice umano ay magiging argabyado at maapektuhan ang trabaho dahil wala nang magiging laban kapag ang katapat ay SolGen dahil maaari nitong pagbantaan ng quo warranto petition ang huwes na hahawak ng kanilang kaso.

Pag nagkataon aniya, lagi na lang makikipag-areglo ang mga abogado at hindi na nila maipaglalaban ang kanilang mga kliyente kapag SolGen ang kalaban sa kaso.

Batay dito, sinabi ni Sereno na ang tangkang pagpapatalsik sa kaniya ngayon ay hindi lang laban sa kaniya kundi sa buong hudikatura.

Sabi ni Sereno sa kaniyang talumpati, ang kaniyang papel ay mag-ambag sa pagsulat ng kasaysayan ng bansa ay batay sa redemption, compassion, pagpapahalaga sa rule of law, independence ng hudikatura at respeto sa rule of law.

Hindi aniya ito batay sa indicency, vulgarity, kagaspangan, karahasan at kamatayan.

Hinikayat nito ang mga abogadong kaharap na magsalita sa mga nagaganap ngayon at ipaglaban ang pag iral ng konstitusyon at rule of law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?