4,511

By

Mga hurado sa SEA Games, nanlilimos ng upuan, lamesa

“May budget kayo na P50M sa kaldero n’yo pero wala kaming mesa! Kadiri kayo!”

Ito ang nanggagalaiting post ng isang brevet judge ng Women’s Artistic Gymnastics sa Fédération International de Gymnastique sa gitna ng kontrobersiyal na P50 milyong Southeast Asian Games cauldron na mistulang magiging torch sa palaro.

Sabi sa Facebook post ni Linzi Arellano-Co, may P50 milyong budget ang pamahalaan para sa pinag-uusapang kaldero pero ang mga hurado ng kompetisyon ay nganga sa mga gagamiting mesa at upuan.

“Sampung araw na lang SEA Games na. Ano ginagawa ko? Nagbibilang ng upuan at mesa sa office ng mommy ko para mahiram, para sa mga hurado sa kompetisyon,” reklamo ni Linzi sa post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?