96
Mga hotel, resort na walang first aid staff ipasasara – DOT
Apr 10, 2019 @ 16:12
By

Mga hotel, resort na walang first aid staff ipasasara – DOT

Nanganganib na maipasara ang lahat ng hotel at resort na walang first aid staff.

Ayon kay Tourism Assistant Secretary Maria Rica Bueno, maaaring maging grounds para maipasara ang kawalan ng first aid staff dahil mandatory requirement umano ito sa mga DOT-accredited accommodation facilities na kailangan sa emergency response.

Isa umano sa accreditation standards sa primary tourism enterprises (PTEs) gaya ng hotels, resorts, inns, at iba pang accommodation establishments ang pagkakaroon ng first aid facility na may trained staff.

Kapag binawi ng DOT o sinuspinde ang kanilang accreditation, awtomatikong sasabihan ang local government unit na siyang magbibigay ng sanction o penalty laban sa hindi sumunod na establisyimento na pinakamalala ay pagbawi ng business permit na inisyu ng lokal na pamahalaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?