10

Jul 25, 2020 @ 16:07
By

Mga hotel owner sinuklian ng tax credit ni Mayor Isko

Bilang pasasalamat sa pagbibigay ng libreng matutuluyan sa mga medical frontliner, pinagkalooban ni Manila Mayor Isko Moreno ng P100,000 tax credit certificate ang mga may-ari ng hotel, motel, dormitoryo at apartment.

Batay sa Ordinance No. 8646 na nilagdaan niya, maaaring magamit ang tax credit sa lahat ng uri ng local business tax, regulatory fees at services kabilang ang surcharge at penalty interest.

Magugunitang naglabas si Moreno kamakailan ng Executive Order No. 17 na nag-uutos sa mga hotel at motel sa Maynila na magbigay ng free lodging sa mga medical worker na nakatalaga sa Maynila.

Sa datos mula sa Bureau of Permits, mahigit 1,000 healthcare worker ang nakatanggap ng libreng kuwarto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?