32

Nov 9, 2021 @ 21:09
By

Mga hotel makababangon sa Alert Level 2

Pinuri ng Philippine Hotel Owners Association (PHOA) ang pagbaba sa Alert Level 2 sa National Capital Region (NCR) mula sa Alert Level 3.

Ayon sa PHOA, ang pagluluwag sa mga paghihigpit laban sa COVID-19 ay makatutulong sa kanilang industriya na mabawi ang nawalang kita dahil sa pandemya lalo na’t papalapit na ang holiday season.

“We expect that the industry will regain its lost revenues in the last months of 2021, as we commit to providing safe and convenient hotel services to our guests,” lahad ni PHOA president Arthur Lopez.

Bukod sa pagbangon ng hotel industry, mas maraming hotel worker na rin aniya ang makababalik sa trabaho pati na mga supplier nito.

Matatandaang nasa ilalim pa lang ng Alert Level 3 ang Metro Manila ay pinayagan na ang staycation sa mga hotel na akreditado ng Department of Tourism.

Pero sa Alert Level 2, aprub na ang mga hotel para maging venue ng mga meeting, conference at exhibition sa 50% capacity para sa indoor habang 70% sa outdoor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?